Paano Mag-Apply
APLIKASYON
Malugod na tinatanggap ng Kolehiyo ng Merced ang iyong aplikasyon bilang isang internasyonal na magaaral. Ang aming mga tauhan ay magsusumikap na tulungan ka sa abot ng kanilang makakaya.
Ang mga kinakailangan sa admisyon o pagtanggap ay naayon sa alituntinin ng gobyerno ng U.S. sa pagbibigay ng F-1 visa para sa mag-aaral. Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa enrolment o pagpapatala at sa pagkumpleto ng form, maaari niyong puntahan o tawagan ang aming Opisina sa Serbisyo para sa mga Internasyonal na Mag-aaral sa (209) 384-6229, o sulatan kame sa email [email protected].
APLIKASYON PARA SA MGA INTERNASYONAL NA MAG-AARAL
Get started on your Application Packet now.
Mga Deadline ng Application:
HULING ARAW NG APLIKASYON | |
Semestre sa Taglagas | ika-15 ng Hunyo |
Semestre sa Tagsibol | ika-15 ng Nobyembre |
Semestre sa Tag-araw | ika-15 ng Abril |
Ipasa ang sumusunod na kinakailangan dokumento na mababanggit sa ibaba. Ang mga mag-aaral na lilipat mula sa ibang paaralan ay kinakailangan ding magpasa ng mga sumusunod na dokumento na mababanggit sa ibaba. Ang transfer clearance form (pdf) ay kinakailangang ipasa ng mga mag-aaral na lilipat mula sa ibang paaralan upang mabigyan namin kayo ng liham o katibayan ng pagtanggap
-
- Kumpletong form ng Aplikasyon ng mga Internasyonal na Mag-aaral sa Kolehiyo ng Merced at ipasa ito sa email na [email protected].
- Ang pamprosesong bayarin na $100.00 US dolyar o Credit card ay kinakailangan sa pag-pasa ng iyong aplikasyon.
- Ang opisyal na sinumpaang salaysay sa pinansyal na suporta (affidavit of financial support) na nagpapatunay (tulad ng dokumento mula sa banko ng magulang o ng isponsor) na may kakayahan kang bayaran ang iyong matrikula at pang-araw-araw na bayarin sa loob ng isang taon. Pinakamaliit na ang $20,000.00 US dolyares. Ang labing-dalawang (12) yunit sa pagpasok (pinaka-kaunting yunit), mga libro, pagpapaseguro, at sa gastusing pamumuhay, idagdag pa ang matrikula at iba pang mga bayarin ng bawat mag-aaral ay aabutin ang kabuuang gastusin sa $20,000 – $21,000 dolyar kada isang taon.
- Un examen de santé est requis et doit inclure les dates de vaccination (vaccins obligatoires à jour) ainsi qu’un test de vérification à la tuberculose (TB).
- Isang pahina o higit pang sanaysay ng talambuhay na naglalarawan sa iyong edukasyon, mga hilig, mga dahilan sa pagpasok sa Kolehiyo ng Merced, at ang iyong mga layuning pang-edukasyon matapos makumpleto ang pag-aaral sa Kolehiyo ng Merced.
- Liham ng rekomendasyon (akademiko) na sumusuporta sa iyong mga nakamit o napagtagumpayan sa edukasyon at mga layunin.
- Ang pagtatapos sa isang paaralang sekondarya na katumbas ng Sistema ng mataas na paaralan sa Amerika ay kailangan. Ang opisyal na dokumento na kopya ng talaan na salin sa wikang Ingles ay kinakailangang kalakip ng inyong aplikasyon. Ang katibayan ng paglipat ay kailangan naman kung ikaw ay mula sa iba pang institusyon sa Amerika.
- Opisyal na kopya ng talaan mula sa kolehiyo na pinanggalingan sa Amerika.
- . Seguro para sa Kalusugan. Mahal ang serbisyong pangkalusugan sa Amerika at walang libreng medikal na pasilidad. Kung kaya, nais ng Kolehiyo ng Merced na ang mga internasyonal na mag-aaral ay mayroong sariling Segurong pangkalusugan na salin sa wikang Ingles. Ang bawat mag-aaral ay hinihingian na katibayan nito na ipinapakita sa pagdating nila sa opisina ng paaralan. Ito ay katumbas ng polisiya sa kalusugan at aksidente ng Internasyonal na Mag-aaral ng Kolehiyo ng Merced. Ang katibayan ng pagkakaroon ng segurong pangkalusugan ay kailangang maibigay bago magparehistro sa paaralan. Ang segurong pangkalusugan na iniaalok ng paaralan ay nagkakahalaga ng $1,218 para sa buong taon at $609 naman para sa isang semestre. Para sa mga karagdagang impormasyon maaaring bumisita sa: studentinsuranceusa.com
Upang makapasok ang isang Internasyonal na estudyante sa Kolehiyo ng Merced, kinakailangang marunong magsalita, bumasa, sumulat, at umunawa ng wikang Ingles na naaayon at sapat upang makapag-aral at makatapos ng pag-aaral dito ng kolehiyo.
Hinihingi mula sa inyo ang makapasa sa TOEFL (Test of English as a Foreign Language) na hindi bababa sa 450 puntos sa pagsusulit sa pagsulat, o 45-46 puntos sa pagsusulit base sa internet (ang katumbas nito ay antas sa ESL na 109), o IELTS (International English Language Testing System) 5 puntos, o EIKEN 2A o mas mataas pa upang malaman ang kakayahan sa wikang Ingles.
Ang rekisito na ito ay hindi kinakailangan o maaaring ipagsawalang-bahala kung ikaw ay nagmula sa bansang ang gamit na midyum sa Edukasyon ay wikang Ingles. Tingnan ang listahan sa. List of Countries where TOEFL score may be waived.
Tandaan: Kung ang iyong puntos sa TOEFL ay mababa sa 450(PBT) o 45-46 (IBT) ay maaaring magrehistro sa klase dito MCELI (Merced College Language Institute).